Unang Friendship Medal ng Tsina, ginawaran ni Xi Jinping si Putin

2018-06-08 21:04:09 CRI

Ginawaran ngayong araw, Biyernes, ika-8 ng Hunyo 2018, sa Beijing, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng Friendship Medal of the People's Republic of China si Pangulong Vladimir Putin ng Rusya. Ito ang kauna-unahang paggawad ng Tsina ng medalyang ito.

Sa seremonya ng paggawad, sinabi ni Xi, na ang Friendship Medal ay pinakamataas na karangalang pang-estado ng Tsina para sa mga dayuhang kaibigang nagbibigay-ambag sa pagkatig sa modernisasyon ng Tsina, pagpapasulong sa pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at ibang bansa, o pangangalaga sa kapayapaan ng daigdig. Ani Xi, ang paggawad ng medalyang ito kay Putin ay nagpapakita ng lubos na paggalang ng mga mamamayang Tsino sa kanya, at malalimang pagkakaibigan ng Tsina at Rusya.

Pinasasalamatan ni Putin si Xi sa paggawad ng unang Friendship Medal ng Tsina sa kanya. Tinatawag niya itong "pinakamataas na kapurihan" sa kanya. Ipinakikita rin nito ang mataas na lebel ng komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng Rusya at Tsina, at malalimang pagkakaibigan ng mga mamamayang Tsino sa mga mamamayang Ruso, dagdag pa ni Putin.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino