Pangulong Tsino, nagpadala ng mensaheng pambati kay Duterte

2018-06-09 10:28:34

Kaugnay ng ika-43 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas Sabado, Hunyo 9, 2018, at ika-120 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, ipinaabot ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa mensahe ni Pangulong Xi, tinukoy niyang sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Duterte, nagpupunyagi ang mga mamamayang Pilipino, at natamo nito ang malaking tagumpay sa konstruksyon ng bansa. Taos-pusong binati ito ng panig Tsino, aniya. Dagdag niya, malalim ang tradisyonal na pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Sa ilalim ng magkasamang pagsisikap, malinaw na bumuti ang kanilang relasyon, at komprehensibong isinasagawa ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't-ibang larangan. Ito ay nakakapagbigay ng aktuwal na kapakanan para sa mga mamamayan ng dalawang bansa, aniya pa.

Ipinagdiinan pa ni Pangulong Xi na bilang kapwa umuunlad na bansa, mayroong komong tungkulin ang Tsina at Pilipinas sa mga aspektong gaya ng pangangalaga sa katatagan ng bansa, pagsasakatuparan ng komong pag-unlad, at pagpapasulong ng kapayapaan at katatagan sa rehiyong ito. Lubos aniyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino. Nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng Pilipinas para mapasulong ang sustenable at matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino