Xi Jinping at Vladimit Putin, nanood sa ice hockey match

2018-06-09 10:34:54

Xi Jinping at Vladimit Putin, nanood sa ice hockey match

Tianjin - Magkasamang nanood Biyernes ng gabi, Hunyo 8, 2018, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, sa mapagkaibigang labanan ng ice hockey sa pagitan ng batang koponang Tsino at Ruso.

Sa panahon ng labanang ito, sinabi ni Xi kay Putin na mula sa labanang ito'y nakikita ang pagkakaibigan ng mga kabataan ng dalawang bansa. Nakahanda aniya ang panig Tsino na pasulungin kasama ng panig Ruso, ang kanilang pagpapalitan at pagtutulungan sa mga sports events na gaya ng ice hockey. Aniya, dapat palakasin ng mga kabataan ng dalawang bansa ang pagpapalitan para ituloy ang pagkakaibigang Sino-Ruso sa hene-henerasyon.

Ipinahayag naman ni Putin na mahusay ang paglalaro ng mga bata ng dalawang bansa. Umaasa aniya siyang magiging bagong tulay ng pagkakaibigang Ruso-Sino ang ice hockey ng kabataan.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino