Relasyong Sino-Ruso, ibayo pang isusulong

2018-06-09 10:42:33

Relasyong Sino-Ruso, ibayo pang isusulong

Beijing - Sa pag-uusap Biyernes, Hunyo 8, 2018, nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, kapwa sinang-ayunan ng dalawang lider na igiit ang ideya ng pagkakaibigan sa hene-henerasyon at diwa ng estratehikong pagtutulungan, palawakin at palalimin ang kanilang kooperasyon sa iba't-ibang larangan upang ibayo pang mapasulong ang relasyong Sino-Ruso sa mas mataas na lebel. Samantala, ginawaran nang araw ring iyon ni Xi ng Friendship Medal of the People's Republic of China si Putin bilang lubos na pagpuri sa kanyang ginawang mahalagang ambag para sa pagpapasulong ng komprehensibo't estratehikong partnership ng dalawang bansa sa mahabang panahon.  

Sa pag-uusap pagkatapos nito, tinukoy ni Xi na nagiging mahusay, matatag, at matibay ang komprehensibo't estratehikong partnership ng Tsina at Rusya. Ipinagdiinan niya na sa kasalukuyan, nananatiling malakas ang tunguhin ng pag-unlad ng kooperasyong Sino-Ruso sa iba't-ibang larangan. Dapat aniyang mataimtim na pag-aralan ng dalawang panig ang mga bagong ideya at hakbangin sa iba't-ibang larangang pangkooperasyon upang makuha ang mas maraming bungang pangkooperasyon.  

Relasyong Sino-Ruso, ibayo pang isusulong

Tiniyak naman ni Putin ang kasalukuyang mainam na relasyong Ruso-Sino. Ito aniya ay nagsisilbing modelo ng relasyon sa pagitan ng mga bansa sa daigdig. Napapatingkad nito ang mahalagang papel para mapangalagaan ang kapayapaan, seguridad, at katatagang pandaigdig.  

Dagdag pa ni Putin, nakahanda ang panig Ruso na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa panig Tsino sa kabuhayan at kalakalan, pamumuhunan, enerhiya, at imprastruktura. Hinahangaan aniya ng Rusya ang ginagawang pagsisikap ng Tsina sa pagpapasulong ng kooperasyon ng mga kasaping bansa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) bilang bansang tagapangulo nito. Kinakatigan ng Rusya ang matagumpay na pagtataguyod ng SCO Summit sa Qingdao.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino