Embahador Tsino: Nakahandang makipagtulungan sa Pilipinas, para mabigyan ng mabuting pamumuhay ang kanilang mga mamamayan

2018-06-09 11:14:06

Nakahandang makipagtulungan ang Tsina sa Pilipinas, para pasulungin ang magkasamang pag-unlad at mabigyan ng mabuting pamumuhay ang kanilang mga mamamayan, at maisakatuparan ang pangmatagalang kapayapaan at kasaganaan sa rehiyon. 

Embahador Tsino: Nakahandang makipagtulungan sa Pilipinas, para mabigyan ng mabuting pamumuhay ang kanilang mga mamamayan

Si Zhao Jianhua, Embahador Tsino sa Pilipinas

Ito ang ipinahayag ni Zhao Jianhua, Embahador Tsino sa Pilipinas sa Manila, Biyernes Hunyo, 9, 2018 sa Magkasamang Pagdiriwang ng Ika-120 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas at 17th Filipino-Chinese Friendship Day.

Sa nasabing aktibidad, sinariwa ni Embahador Zhao ang mapagkaibigang kasaysayan ng dalawang bansa at kasalukuyang kalagayan ng mga kooperasyon.

Noong taong 2017, ang kabuuang bolyum ng bilateral na kalakalan ng dalawang bansa ay lumampas sa 50 bilyong US Dollars. Ang Tsina ay naging pinakamalaking trade partner ng Pilipinas. Halos 1 milyong turistang Tsino ang naglakbay sa Pilipinas.

Sinabi pa ni Zhao na itinakda nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Rodrigo Roa Duterte ng Pilipinas ang pangmatagalang plano ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa hinaharap.

Nakahanda aniya siyang palalimin ng dalawang bansa ang mga kooperasyon at mapaliit ang mga hidwaan sa hinaharap.

Embahador Tsino: Nakahandang makipagtulungan sa Pilipinas, para mabigyan ng mabuting pamumuhay ang kanilang mga mamamayan

Si Harry Roque, tagapagsalita ng Pangulong Pilipino

Samantala, binasa ni Harry Roque, tagapagsalita ng Pangulong Pilipino, ang mensaheng pambati ni Pangulong Duterte para rito. Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang malaking ambag ng mga Filipino Chinese  sa bansang ito.

Bukod dito, umaasa aniya siyang ibayo pang mapapalalim ang mapagkaibigang relasyon ng dalawang bansa para tulungan ang pag-unlad ng Pilipinas sa kabuhayan at lipunan at likhain ang mas maraming pagkakataon ng trabaho para sa mga Pilipino.

Embahador Tsino: Nakahandang makipagtulungan sa Pilipinas, para mabigyan ng mabuting pamumuhay ang kanilang mga mamamayan

Si Domingo H. Yap, Presidente ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc (FFCCCII)

Ipinahayag naman ni Domingo H. Yap, Presidente ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc (FFCCCII), na maayos ang kasalukuyang bilateral na relasyon ng Tsina at Pilipinas, at dapat patingkarin ng mga Filipino Chinese ang mahalagang papel bilang tulay sa pagitan ng Tsina at Pilipinas upang palalimin ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa.

Embahador Tsino: Nakahandang makipagtulungan sa Pilipinas, para mabigyan ng mabuting pamumuhay ang kanilang mga mamamayan

Ilan daang kinatawan ng mga samahan ng Filipino Chinese, embahadang Tsino, at opisyal ng pamahalaang Pilipino ang lumahok sa nasabing aktibidad.

Ulat / Larawan: Ernest
Pulido : Mac
Web Editor : Lito

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino