Tsina, magsisikap para pasulungin ang mas mabisa at masiglang pagtutulungan ng SCO-Tagapagsalitang Tsino

2018-06-12 10:21:27 CRI

Sa regular na preskon, ipinahayag Hunyo 11, 2018 sa Beijing ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nakahanda ang bansa na magsikap, kasama ng ibat-ibang kasaping bansa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) para komprehensibong tupdin ang mga natamong bunga ng katatapos na summit para ibayong pasulungin ang mahigpit na pagkakaisa, mabisa at masiglang pagtutulungan, at maliwanag na hinaharap.

Kaugnay ng tampok na ipinakita sa SCO Qingdao Summit na ginanap Hunyo 10, ipinahayag ni Geng na inilagay ng summit ang bagong nilalaman sa “Diwa ng Shanghai,” at binalangkas ang target at direksyong pangkaunlaran ng SCO sa hinaharap.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino