Kooperasyon ng G7, inaasahang susunod sa tunguhing pangkaunlaran ng daigdig-Tagapagsalitang Tsino

2018-06-12 10:35:16 CRI

Ipinahayag Hunyo 11, 2018 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pag-asang susunod ang kooperasyon ng G7 sa tunguihing pangkaunlaran ng daigdig.

Ipininid kamakailan sa Canada ang G7 Summit. Nagkakaiba ang palagay ng mga kasaping bansang kinabibilangan ng Amerika, Kanada, Alemanya, Pransya, at iba pa hinggil sa mga isyung may-kinalaman sa taripa, pagbabago ng klima, at iba pa. Samantala, ipinalabas ng summit ang isang magkasanib na kumunike, pero, tinanggihan ito ng Amerika.

Kaugnay nito, sinabi ni Geng na bilang mga maunlad na bansa sa daigdig, umaasa ang Tsina na isasabalikat ng mga kasaping bansa ng G7 ang responsibilidad at gagawa sila ng kani-kanilang ambag para pangalagaan ang kapayapaan, katatagan, at kaunlaran ng daigdig.

Ani Geng, nagsisikap ang Tsina para pasulungin ang pagtatatag ng bagong relasyong pandaigidg na may paggagalangan, katarungan, at pagtutulungang may win-win result. Ito aniya'y makakatulong sa pagbuo ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng lahat ng mga kasapi ng komunidad ng daigdig para pasulungin ang usaping ito.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino