Iba't ibang gawaing preparatoryo ng 5th China-South Asia Expo, handang handa na

2018-06-13 12:35:19 CRI

Kunming Dianchi International Convention and Exhibition Center, Lalawigang Yunnan ng Tsina—Bubuksan dito ang Ika-5 China-South Asia Exposition at Ika-25 China (Kunming) Import & Export Fair. Sa isang news briefing nitong Martes, Hunyo 12, 2018, isinalaysay ni Gao Shuxun, Direktor ng Lupong Tagapagpaganap ng kasalukuyang ekspo, na handang handa na ngayon ang iba't ibang gawaing preparatoryo.

Ani Gao, may 19 na pabilyon ang kasalukuyang 7-araw na ekspo, at lalahok dito ang 3,825 bahay-kalakal na Tsino't dayuhan. Kabilang dito, 526 na bahay-kalakal ay galing sa mga bansa ng Timog Asya, at 513 naman ang galing sa Timog-silangang Asya.

Sa panahon ng gaganaping ekspo, idaraos ang maraming aktibidad na gaya ng kauna-unahang China-South Asia Cooperation Forum, Ika-3 Yunnan Conference on International Exchange of Professionals, Ika-5 China-South Asia Expo Cross Border Tourism Cooperation Forum, Ika-13 China-South Asia Business Forum, Ika-2 China-Southeast Asia Business Forum at iba pa.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino