Kalihim ng Estado ng Amerika, dadalaw sa Tsina-Tagapagsalitang Tsino

2018-06-14 09:25:20 CRI

Sa regular na preskon, ipinahayag kahapon, Hunyo 13, 2018 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, darating sa Beijing ngayong araw si Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos para sa kanyang kauna-unahang biyahe sa bansa.

Ani Geng, magpapalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa bilateral na relasyon, at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan. Bukod dito, ipapaabot ng panig Amerikano sa panig Tsino ang hinggil sa katatapos na pag-uusap ng mga lider ng Hilagang Korea at Amerika na ginanap kamakailan sa Singapore.

Sinabi ni Geng na bilang dalawang mahalagang bansa sa daigdig, ang napanatiling malusog at matatag na relasyong Sino-Amerikano ay hindi lamang angkop sa komong interes ng dalawang bansa, kundi maging sa komong mithiin ng komunidad ng daigdig.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino