Xi Jinping, bumati sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Daily

2018-06-15 16:22:56

Sa okasyon ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Daily, sa ngalan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ipinadala ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, ang mensaheng pambati sa pahayagang ito bilang pagpapahayag ng taos-pusong pangungmusta sa lahat ng mamamahayag at retiradong tauhan nito.

Sa kanyang mensahe, tinukoy ni Xi na ang People's Daily ay opisyal na pahayagan ng Komite Sentral ng CPC. Aniya, nitong 70 taong nakalipas, sa malakas na pamumuno ng partido, napapatingkad ng People's Daily ang napakahalagang papel sa rebolusyon, konstruksyon, reporma, at iba't-ibang panahong historikal. Nakalikha ito ng maringal na kasaysayan, dagdag niya.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino