Mithiin ng Pransya na lumahok sa paglahok sa Belt and Road Initiative, hinahangaan ng Tsina-Tagapagsalitang Tsino

2018-06-20 10:37:20 CRI

Ipinahayag Hunyo 19, 2018 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagtanggap sa paglahok ng Pransya sa konstruksyon ng Belt and Road Initiative.

Winika ito ni Geng bilang tugon sa ulat ng pagtaya hinggil sa nasabing inisyatiba na isinapubliko kamakailan ng Komite sa mga Suliraning Panlabas, Depensa at Sandatahang Lakas ng Mataas na Kapulungan ng Pransya. Ipinahayag ng ulat ang pag-asang aktibong lalahok ang Pransya sa konstruksyon ng Belt and Road Initiative.

Sinabi ni Geng na nakahandang talakayin ng Tsina, kasama ng Pransya at mga bansang Europeo ang hinggil sa kanilang pagtutulungan, batay sa balangkas ng Belt and Road Initiative. Ito aniya'y makakatulong sa pagpapasulong ng ugnayan ng kani-kanilang estratehiyang pangkaunlaran at pagsasakatuparan ng win-win situation sa mas mataas na antas.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino