Rasyonal na atityud, inaasahang isasagawa ng Amerika-Tagapagsalitang Tsino

2018-06-20 10:39:19 CRI

Ipinahayag Hunyo 19, 2018 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pag-asang isasagawa ng Amerika ang rasyonal na atityud, at ititigil nito ang mga di-responsableng pananalita at aktibidad.

Winika ito ni Geng bilang tugon sa pagbatikos kamakailan ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos laban sa patakarang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina. Ipinahayag niyang isasagawa ng Amerika ang mga matigas na hakbang para rito.

Sinabi ni Geng na walang batayan ang naturang pananalita ni Pompeo. Ito aniya'y naglalayong ikubli ang aksyon ng unilateralismo at proteksyonismo na isinasagawa ng panig Amerikano. Aniya, pinawalang-bahala kamakailan ng Amerika ang komong palagay na narating sa pagitan ng Tsina at Amerika, at muling inilunsad ang hidwaang pangkalakalan. Ito aniya'y makakapinsala hindi lamang sa interes ng mga mamamayan at bahay-kalakal ng Tsina at Amerika, kundi maging sa interes ng mga mamamayan ng daigdig.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino