Pag-urong ng Amerika sa UNHRC, ikinalulungkot ng Tsina

2018-06-21 10:45:03 CRI

Ipinahayag Hunyo 20, 2018 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na palaging kinakatigan ng Tsina ang multilateralismo at gawain ng UN Human Right Council (UNHRC).

Winika ito ni Geng bilang tugon sa pagpatalastas kamakailan ni Nikki Haley, Pirmihang Kinatawan ng Amerika sa UN ng pagkalas ng bansa sa UNHRC.

Sinabi ni Geng na ikinalulungkot ng Tsina ang desisyong ginawa ng panig Amerikano. Aniya, handang magsikap ang Tsina, kasama ng ibat-ibang kasaping bansa ng UN para ipagpatuloy ang konstruktibong diyalogo at kooperasyon para pasulungin ang malusog na pag-unlad ng karapatang pantao ng daigdig.



  

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino