Tsina, buong tatag na ipagtatanggol ang kapakanan ng bansa at mga mamamayan

2018-06-21 16:20:04 CRI

Ipinahayag sa Beijing Huwebes, Hunyo 21, 2018, ni Tagapagsalita Gao Feng ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na natamo minsan ng Tsina at Amerika ang magandang bunga sa kanilang pagsasangguniang pangkabuhayan at pangkalakalan. Ngunit, nagpapabagu-bago ang posisyon ng panig Amerikao.

Ipinagdiinan din niya na kung isasapubliko ang umano'y listahan ng karagdagang taripa, isasagawa ng Amerika ang kagawian nitong pagpilipit sa kalakalang pandaigdig; bagay na nagdudulot ng di-pantay na kalakalan. Ani Gao, gumawa ang panig Tsino ng lubos na paghahanda para rito. Isasagawa ng panig Tsino ang lahat ng kinakailangang hakbangin upang ipagtanggol ang kapakanan ng bansa at mga mamamayan, dagdag pa niya.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino