Tsina, may kompiyansang sinagot ang mga tanong bilang kasapi ng WTO

2018-06-28 22:00:03

Huwebes, Hunyo 28, 2018, inilabas ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper na pinamagatang “Tsina at World Trade Organization (WTO).” Ito ang kauna-unahang pagpapalabas ng Tsina ng white paper tungkol sa isyung ito. Sistematikong isinalaysay ng white paper ang praktika ng Tsina sa pagpapatupad ng pangako nito sa pagsapi sa WTO, ipinaliwanag ang simulain, paninindigan, at patakaran ng Tsina sa pagsali sa konstruksyon ng multilateral na sistemang pangkalakalan, at inilahad ang adhikain at aksyon sa pagpapasulong ng pagbubukas sa labas, sa mas mataas na lebel. Ang nasabing white paper ay makakatulong sa pag-unawa ng mga tao ng ginawang ambag ng Tsina sapul nang sumapi sa WTO, at dahil ng pagkatig nito sa sistema ng multilateral na kalakalan na ang nukleo nito ay WTO.

Pagtupad ng Tsina ng mga pangako nito sa pagsapi sa WTO

Sa simula ng pagsapi sa WTO, sa harap ng kompetisyong pandaigdig, napakahirap para sa karamihan ng mga industriya ng Tsina. Halimbawa, malayung-malayo sa mga maunlad na bansa ang sasakyang de motor na yari ng Tsina, at umabot sa 100% ang taripa ng pag-aangkat ng sasakyang de motor. Pagkaraang sumapi sa WTO, bumaba sa 25% ang taripa ng inangkat na sasakyang de motor ng Tsina, at salipitang isinagawa ng mga bahay-kalakal ng kotse ang malawakang pagrereorganisa ng ari-arian, at walang humpay na binuksan ang pamilihan sa puhunang dayuhan. Ayon sa estadistika, noong 2017, tumaas sa 37.91 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng inangkat na sasakayang de motor na may 1.5-3 L na engine displacement ng Tsina, mula 890 milyong dolyares noong 2001. Iniluwas ng bansa ang 891,000 sasakyang de motor.

Nitong nakalipas na 17 taon sapul nang sumapi sa WTO, kaugnay ng tatlong pangako ng Tsina sa kalakalan ng paninda, kalakalan ng serbisyo, at pangangalaga sa karapatan sa pagmamay-ari sa likhang-isip o IPR, malawakang sinuri at sinusugan ng Tsina ang mahigit 2300 batas at regulasyon ng pamahalaang sentral, at mahigit 190,000 patakaran at regulasyon ng mga pamahalaang lokal, at itinatag ang legality review mechanism para suriin ang mga normative document. Samantala, malaking pinababa ang taripa ng pag-aangkat, malawakang binuksan ang pamilihan ng serbisyo, at kusang-loob na pinalakas ang pangangalaga sa IPR. Hanggang Agosto ng 2010, tinupad na ang lahat ng pangako ng Tsina sa pagsapi sa WTO.

Kahit hindi itinitigil ang duda ng ibang bansa sa “pagtupad ng Tsina ng mga pangako sa pagsapi sa WTO,” lubos na kinikilala ng karamihan ng mga kasapi ng WTO ang kilo ng Tsina sa pagtupad ng pangako. Naging A+ ang pagtasa ni Pascal Lamy, dating Direktor Heneral ng WTO, sa ginawang pagsisikap ng Tsina.

Ambag ng Tsina bilang kasapi ng WTO

Malaking bansa ng pagluluwas, at malaki rin ang bolyum ng pag-aangkat ng Tsina. Noong 2000, isang taon bago sumapi ang Tsina sa WTO, ito ay ika-7 pinakamalaking bansa sa pagluluwas at ika-8 pinakamalaking bansa sa pag-aangkat. Sa kasalukuyan, ang Tsina ay nangunguna sa pagluluwas at pumapangalawa sa pag-aangkat sa buong mundo. Bilang ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, pinakamalaking bansa sa kalakalan, bansang may pinakamaraming pumapasok na direktang puhunang dayuhan (FDI), at bansang ikalawa sa dami ng puhunan sa mga bansang dayuhan, lumalago ang kabuhayang Tsino dahil sa pagbubukas sa labas. Bunga nito, malaki rin ang ambag ng Tsina sa pagpapanumbalik at paglaki ng kabuhayang pandaigdig.

Sapul noong 2002, isang taon makaraang sumapi ang Tsina sa WTO, umabot sa humigit-kumulang 30% ang karaniwang taunang ambag ng Tsina sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.

Mula 2001 hanggang 2017, tumaas sa 467.6 na bilyong US dollar mula sa 39.3 bilyong US Dollar ang pag-aangkat ng Tsina ng serbisyo, bagay na nagdulot ng 16.7% karaniwang taunang paglaki. Katumbas ito ng halos  10% ng kabuuang halaga ng pag-aangkat ng serbisyo sa daigdig.   

Nitong 40 taong nakalipas sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma't pagbubukas sa labas, 700 milyong mahihirap na mamamayang Tsino ang naibsan ang karalitaan, ayon sa pamantayan ng United Nations (UN), at ito ay katumbas ng 70% ng kabuuang mahirap na populasyon ng daigdig.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino