Serbisyong pinansyal para sa maliliit at micro business, pasusulungin ng Tsina

2018-06-30 17:55:45 CRI

Nakahanda ang Tsina na ibayo pang pabutihin ang serbisyong pinansyal para sa mga maliit at micro business, sa iba't ibang paraan.

Ito ang ipinagdiinan ni Yi Gang, Gobernador ng People's Bank of China (PBOC), Bangko Sentral ng Tsina, sa teleconference Biyernes, Hunyo 29, kasama ng mga puno mula sa mga may kinalamang departamento na gaya ng Securities Regulatory Comission, National Development and Reform Commission, at Ministri ng Pinansya.

Tinukoy rin niyang upang totohanang suportahan ang mga maliit at micro business, kailangang pagsamahin ang mga may kinalamang patakaran at seryosong pairalin ang mga ito. Idinagdag pa ni Yi na kailangang lumikha ng mga bagong serbisyo at produktong pinansyal, at paginhawahin ang aplikasyon ng pondo ng nasabing bahay-kalakal para mapalawak ang pagpapautang sa kanila. Kasabay nito, kailangan din aniyang parusahan ang mga bahay-kalakal at institusyong pinansyal na lalabag sa batas na gaya ng panlilinlang sa pangongolekta ng pondo at pagpapautang.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino