Mga nawawalang Thai, natuklasan

2018-07-04 12:17:02 CRI

Ipinahayag Hulyo 3, 2018 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na natuklasan ang 12 soccer players at 1 coach ng Thailand na nawala noong ika-23 ng Hunyo, sa Tham Luang Nang Non Cave sa Chang Rai, Thailand. Aniya, sa kasalukuyan, nananatiling normal ang kanilang vital signs.

Pagkaraang maganap ang pangyayari, lubusang sinusubaybayan ng panig Tsino ang kalagayan ng mga nawawala, at sumapi ang mga di-pampamahalaang rescue team mula sa Tsina sa paghahanap at pagliligtas. Aniya, bilang mapagkaibigang katuwang ng Thailand, umaasa ang panig Tsino na maililigtas ang mga nawawala at gagaling sila, sa lalong madaling panahon.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino