Pagwawasto ng Air India sa maling paglilista, kinumpirma ng Tsina

2018-07-05 17:16:00

Bilang tugon sa pagwawasto  ng Air India ng maling paglilista nito hinggil sa “Taiwan”, sa regular na preskong idinaos Hulyo 5, 2018, ipinahayag ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panalabas ng Tsina na ang naturang aksyon  ng Air India ay pagkilala sa pundamental at pandaigdigang komong palagay na Isang Tsina at ang Taiwan ay isang bahagi ng Tsina. At ang ginawa ng Air India ay dapat kilalanin.


Ayon sa paguulat ng media ng India,  mahigit 2 buwan pagkatapos magpadala ng Civil Aviation Administration of China ng kahilingan, iniwasto ng Air India ang maling lista sa opisyal na website nito na lumabag ng batas ng Tsina at sa patakaran ng “Isang Tsina”.



Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino