Pangulong Xi Jinping ng Tsina: buong lakas na pasusulungin ang pagpapaunlad ng kanayunan

2018-07-05 17:51:13


Kamakailan, si Xi Jinping, Pangulo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, Pangulo ng Tsina at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, ay nagbigay ng mahalagang instruksyon hinggil sa  estratehiya ng pagpapaunlad ng kanayunan ng Tsina. Tinukoy niya na ang pagsasagawa ng estratehiya ng pagpapaunlad ng kanayunan ay mahalagang kautusan at kapasiyahan na ginawa ng Ika-19 Pambangsang Komperensiya ng Partido Komunista ng Tsina. Dapat lubos na malaman ang mahalagang katuturan ng pagpapaunlad ng kanayunan at gawing priyoridad  ang estratehiya ng pagpapaunlad ng kanayunan. Tinukoy rin ni Li Keqiang, Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng  Komite Sentral ng Partido Komunista at Premiyer ng Tsina, na napakahalaga ng pagsasagawa ng estratehiya ng pagpapaunlad ng kanayunan.

Ngayong umaga, dito sa Beijing, idinaos ang Pulong sa Pagpapasulong ng Pagsasagawa ng Pagpapaunlad ng Kanayunan sa buong bansa. Lumahok sa naturang pulong si Hu Chunhua, Kagawad ng Pulitburo ng  Komite Sentral ng Partido Komunista at Puno ng Central  Leading Group sa mga gawain ng kanayunan, at nagtalumpati siya sa pulong. Ipinahayag niyang dapat sundin ang patakaran ni Pangulong Xi at isakatuparan ang mga kongkretong aksyon para walang humpay na lumikha ng bagong progreso sa gawain ng pagpapaunlad ng kanayunan.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino