Preskon hinggil sa pagdalo ni Xi Jinping sa seremonya ng pagbubukas ng ika-8 pulong na ministeryal ng China-Arab States Cooperation Forum

2018-07-06 16:43:08 CRI

Sa preskon ng Ministring Panlabas ng Tsina Biyernes, Hulyo 6, 2018, isinalaysay ni Chen Xiaodong, Asistanteng Ministrong Panlabas ng Tsina, na sa ika-10 ng Hulyo, dadalo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng ika-8 pulong na ministeryal ng China-Arab States Cooperation Forum, at bibigkas ng talumpati. Ito ang ika-3 beses na pagbigkas ni Xi ng talumpati sa mga bansang Arabe, at nagpapakita ito ng lubos na pagpapahalaga at pagkatig ng panig Tsino sa pag-unlad ng relasyon ng Tsina at mga bansang Arabe, at konstruksyon ng nasabing porum.

Tinukoy ni Chen na nitong nakalipas na 14 na taon sapul nang itatag ang naturang porum, walang humpay na lumalawak ang saklaw at impluwensiya nito, at mabisang nakakapagpasulong ito sa diyalogo at kooperasyon ng Tsina at mga bansang Arabe.

Binigyang-diin din niya sa kasalukuyan, pumasok na sa bagong panahon ang sosyalismong may katangiang Tsino, at nasa masusing panahon ng reporma naman ang mga bansang Arabe. Ang pag-unlad ng relasyon ng kapuwa panig ay makakabuti sa dalawang panig, rehiyon at buong daigdig, dagdag pa niya.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino