Ganting hakbangin ng Tsina sa pagdaragdag ng taripa sa Amerika, sinimulan kaninang alas 12:01

2018-07-06 17:44:32 CRI

Ayon sa pahayag ng kaukulang namamahalang tauhan ng Pambansang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, alas 12:01 ng tanghali, Hulyo 6, 2018, Beijing time, pormal na isinagawa ng Tsina ang pagpapataw ng karagdagang taripa sa ilang inaangkat na paninda mula sa Amerika. Ang hakbanging ito ay sinimulang isagawa pagkaraang magkabisa ang hakbangin ng panig Amerikano sa pagdaragdag ng taripa sa ilang inaangkat na paninda mula sa Tsina.

Ayon sa impormasyon ng Custom and Border Protection (CBP) ng Estados Unidos, mula alas 00:01 ng Hulyo 6, local time (alas 12:01 ng tanghali, Hulyo 6, Beijing time), sinimulang ipataw ng Amerika ang 25% additional tariff sa 818 uri ng panindang Tsino na nagkakahalaga ng 34 bilyong dolyares. Bilang ganting hakbangin, sinimulang ipataw ng Tsina ang 25% additional tariff sa kasindaming panindang Amerikano.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino