Trade bullying ng Amerika, dapat labanan ng buong daigdig

2018-07-07 10:18:25 CRI

Kahapon, ika-6 ng Hulyo 2018 ay araw na dapat itala sa kasaysayan. Sa araw na ito, sinimulang ipataw ng Amerika ang karagdagang 25% taripa sa mga aangkating produktong Tsino na nagkakahalaga ng 34 na bilyong Dolyares. Bilang tugon, isinagawa naman ng Tsina ang katulad na hakbangin sa mga produktong Amerikano. Sumiklab ang pinakamalaking digmaang pangkalakalan sa kasaysayan.

Siyempre, ang Tsina ay hindi tanging bansang nakikibaka sa Amerika sa aspekto ng kalakalan. Nauna rito, isinasagawa rin ng Unyong Europeo, Canada, Mexico, India, Turkey, at mga ibang bansa ang kani-kanilang hakbangin bilang tugon sa trade bullying ng Amerika.

Bilang isang super power sa daigdig, nitong mga nakalipas na panahon, isinasagawa ng Amerika ang hegemonismo sa aspekto ng pulitika, at sa kasalukuyan, umaabot na ito sa larangan ng kalakalan.

Ang trade bullying ng Amerika ay makakapinsala sa pandaigdig na industry chain at value chain, hahadlang sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, magdudulot ng kaligaligan sa pandaigdig na pamilihan, at sa bandang huli, makakaapekto sa interes ng mga bahay-kalakal at mamamayan ng Amerika. Sa katotohanan, sa mga produktong Tsino na pinapatawan ng Amerika ng karagdagang taripa, 59% ang ginawa ng mga dayuhang bahay-kalakal sa Tsina, na kinabibilangan ng mga bahay-kalakal na pinatatakbo ng puhunang Amerikano.

Ang unilateral na paglulunsad ng Amerika ng digmaang pangkalakalan ay malaking banta sa pandaigdig na kaayusang pangkabuhayan. Dapat magkakasamang labanan ng komunidad ng daigdig ang trade bullying ng Amerika, para pangalagaan ang malayang kalakalan at multilateralismo.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino