Tsina, mapapanatili ang malusog na pag-unlad ng sariling kabuhayan

2018-07-07 16:19:41 CRI

Sa isang panayam ngayong araw, Sabado, ika-7 ng Hulyo 2018, sinabi ni Bi Jiyao, Pangalawang Puno ng Chinese Academy of Macroeconomic Research, na sa harap ng digmaang pangkalakalan na inilunsad ng Amerika, mapapanatili ng Tsina ang malusog na pag-unlad ng sariling kabuhayan.

Sinabi ni Bi, na noong isang taon, lumampas sa 4 na trilyong Dolyares ang kabuuang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat ng kalakalan ng paninda ng Tsina, at maliit na bahagi lamang ang 34 na bilyong Dolyares na panindang pinapatawan ng Amerika ng karagdagang taripa. Ipinalalagay ni Bi, na sa malapit na hinaharap, hindi magiging malaki ang epekto nito sa pagluluwas at paglaki ng kabuhayan ng Tsina.

Dagdag pa ni Bi, malaki ang pamilihang Tsino, at nitong ilang taong nakalipas, ang pangangailangang panloob ay pangunahing lakas na tagapagpasulong sa paglaki ng kabuhayang Tsino. Malaki rin aniya ang potensyal sa kabuhayang Tsino na dulot ng pag-a-upgrade ng mga industriya, inobasyong pansiyensiya at panteknolohiya, urbanisasyon, at iba pa. Ang mga ito ay magiging malakas na elementong tagapagpasulong sa paglaki ng kabuhayang Tsino, sa harap ng digmaang pangkalakalan na inilunsad ng Amerika, ani Bi.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino