Relasyon ng Tsina at Ehipto, isusulong

2018-07-09 11:15:42 CRI

Sa kanyang pakikipagtagpo sa Beijing Linggo, Hulyo 8, 2018, kay Sameh Hassan Shukry, Ministrong Panlabas ng Ehipto, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na nakahanda ang Tsina na palakasin ang estratehikong pakikipag-ugnayan sa Ehipto. Winiwelkam aniya ng Tsina ang pakikilahok ng Ehipto sa konstruksyon ng "Belt and Road" para mapalalim ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't-ibang larangang gaya ng kakayahan ng produksyon, kabuhayan at kalakalan, kultura, at seguridad.

Dagdag pa niya, dapat palakasin ng dalawang bansa ang pagkokoordinahan sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig para mapangalagaan ang komong kapakanan ng mga umuunlad na bansa.

Ipinahayag naman ni Shukry na lubos na pinapupurihan ng Ehipto ang ibinibigay na mahalagang papel ng Tsina sa pagpapasulong ng kapayapaan at katatagan ng Gitnang Silangan, at pag-unlad ng Aprika. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na aktibong makilahok sa "Belt and Road" Initiative.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino