Tsina, bubuksan ang stock market sa mga dayuhan

2018-07-09 11:48:33 CRI

Ayon sa ulat noong ika-8 ng Hulyo, 2018, ng China Securities Regulatory Commission (CSRC), ibayo pang bubuksan ang A-share market, pangunahing stock market ng Tsina sa mga dayuhan. Pahihintulutan ang mga dayuhang magbuksan ang onshore securities account, anito pa.

Ipinasiya pa nitong bukas na ikokonsulta sa publiko ang panukala hinggil sa naturang hakbang.

Ayon sa nasabing panukala, ang mga dayuhang na nagtatrabaho sa Mainland ng Tsina at iyong mga nagtatrabaho sa ibayong-dagat para sa S-share listed na kompanya at sumali sa plano ng equity benefit ng kompanya ay hahayaaang magbukas ng A-share security account.

Ang mga dayuhang ankop sa kondisyon ay mga mula sa bansa at rehiyong nagkakaroon ng memorandum sa pagitan ng mga lokal na securities regulatory agency at CSRC. Hanggang sa kasalukuyan, 62 bansa at rehiyon ay may MOU sa CSRC.


salin:Lele

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino