Ika-8 Pulong na Ministeriyal ng Porum ng Kooperasyon ng Tsina at mga Bansang Arabe, binuksan sa Beijing; dumalo si Pangulong Xi Jinping

2018-07-10 12:17:30 CRI

Binuksan kaninang umaga, Hulyo 10, 2018, dito sa Beijing, ang Ika-8 Pulong na Ministeriyal ng Porum ng Kooperasyon ng Tsina at mga Bansang Arabe. Dumalo sa seremonya ng pagbubukas si Xi Jinping, Pangulong ng Tsina, kasama ni Sabah Al-Ahmad Al-Jaber Al-Sabah, Emir Sheikh ng Kuwait, mga ministro mula sa 21 bansang Arabe, at Ahmed Aboul-Gheit, Pangkalahatang Kalihim ng League of Arab States(LAS).

Sinimulan ang pagdaos ng nasabing porum noong 2004 para mapahigpit ang diyalogo at kooperasyon, mapasulong ang kapayapaan at kaunlaran. Ang pulong na ministeriyal ay pangmatagalang mekanismo ng porum, idinadaos ito tuwing dalawang taon.

salin:Lele

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino