Ministrong Panlabas ng Tsina, nakipag-usap sa sugo ng Malaysia

2018-07-19 09:57:37 CRI

Nakipag-usap Hulyo 18, 2018 sa Beijing si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina kay Tun Daim Zainuddin, Sugo ng Pamahalaan ng Malaysia. Ipinahayag ni Wang Yi na nakahandang magsikap ang Tsina, kasama ng Malaysia para pahigpitin ang ugnayan ng kani-kanilang estratehiyang pangkaunlaran, palalimin ang pagtutulungan sa “Belt and Road Initiative,” palawakin ang pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan, at palakasin ang koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pangdaigdig. Ito aniya'y makakatulong sa pagbibigay-ginhawa sa mga mamamayan ng dalawang panig, at pagpapasulong ng kaunlaran at kasaganaan ng rehiyon.

Ipinahayag naman ni Daim na pinahahalagahan ng Malaysia ang pakikipagtulungan sa Tsina. Positibo sila sa “Belt and Road Initiative” na itinataguyod ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Aniya, nananabik si Punong Ministro Mohamad Mahathir na dumalaw sa Tsina, sa lalong madaling panahon.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino