Panig Tsino, patuloy sa makakapaghatid ng mas maraming benepisyo sa rehiyon at daigdig, sa pamamagitan ng Belt and Road Initiative

2018-07-24 15:29:38 CRI

Sa panahon ng pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping Tsina sa United Arab Emirates (UAE), Senegal at ibang bansa, nilagdaan ng Tsina, kasama ng mga kaukulang bansa, ang kasunduan sa kooperasyon sa magkasamang pagtatatag ng Belt and Road. Kaugnay nito, ipinahayag Lunes, Hulyo 23, 2018, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministing Panlabas ng Tsina, na batay sa simulain ng magkasamang pagsasanggunian, pagtatatag at pagbabahagi, magpupunyagi ang panig Tsino, kasama ng mga kaukulang bansa at organisasyong pandaigdig, para sa kapayapaan, kaunlaran at kasaganaan ng rehiyon at buong daigdig, sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Belt and Road Initiative.

Dagdag pa ni Geng, nitong nakalipas na 5 taon sapul nang iharap ang Belt and Road Initiative, idinaan na sa aksyon ang ideyang ito, at sumusulong ang ilang mga mahahalagang proyektong pangkooperasyon. Aniya, walang humpay na hahanapin ng panig Tsino, kasama ng mga kaukulang bansa at organisasyong pandaigdig, ang nakatagong lakas ng kooperasyon, at pasusulungin ang proseso ng magkasamang pagtatatag ng Belt and Road, para mas mainam na makapaghatid ng benepisyo sa rehiyon at daigdig.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino