BRI, magpapasulong sa kaunlaran ng Aprika

2018-07-24 19:31:45 CRI

Si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ay nasa biyahe ngayon sa Aprika. Dumalaw na siya sa Senegal sa kanlurang bahagi ng Aprika, Rwanda sa gitnang bahagi ng Aprika, at Timog Aprika sa timog bahagi ng Aprika. Dadalaw rin siya sa Mauritius sa silangang bahagi ng Aprika. Ang lahat ng mga bansang ito ay aktibong lumalahok sa Belt and Road Initiative (BRI), at natamo na nila ang mga bunga sa kooperasyon sa ilalim ng inisyatiba.

Sa kasalukuyan, dahil sa mga pagbabago sa kalagayan sa loob at labas ng bansa, malakas ang hangarin ng mga bansang Aprikano para lumahok sa BRI. Una, dahil sa mga suliraning panloob, binawasan ng Europa at Amerika ang tulong sa Aprika. Ikalawa, sa panahon ng transisyong pangkabuhayan, kinakailangan ng mga bansang Aprikano ang mga maunlad na teknolohiya at mas maraming pagkakataon ng hanapbuhay. At ikatlo, kinakaharap ng mga bansang Aprikano ang kahirapan sa pagpapasulong ng industrialisasyon, at itinuturing nila ang kooperasyon ng BRI na magandang oportunidad para lutasin ang kahirapang ito.

Bilang tugon sa mga pangangailangan ng mga bansang Aprikano, itinakda ng Tsina at mga bansang ito ang sampung malaking planong pangkooperasyon sa ilalim ng BRI, at nakalakip dito ang hinggil sa konstruksyon ng imprastruktura, paglilipat ng mga maunlad na teknolohiya sa imprastruktura, pagpapasulong sa industrialisasyon, at iba pa.

Natupad na rin ang ilang proyekto ng BRI sa Aprika. Halimbawa, naisasaoperasyon na ang Addisababa-Djibouti Railway at Mombasa-Nairobi Railway na naitayo sa ilalim ng tulong ng Tsina. Samantala, sa kasalukuyang biyahe ni Pangulong Xi, nilagdaan din ang mga kasunduan sa kooperasyon ng BRI sa pagitan ng Tsina at Senegal, at Tsina at Rwanda.

Nananalig ang mga tao, na kasunod ng pagsasagawa ng mas maraming proyekto ng BRI sa mga bansang Aprikano, maidudulot ang bagong kalagayan sa pag-unlad sa buong Aprika.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino