Chinese at South African President, dumalo sa bangkete bilang pagdiriwang sa ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa

2018-07-25 16:01:05 CRI

Tshwane — Dumalo Martes, Hulyo 24, 2018, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa bangketeng panalubong na inihandog ni Pangulong Matamela Cyril Ramaphosa ng Timog Aprika sa pagdalaw ni Xi sa kanyang bansa at pagdiriwang sa ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Pangulong Xi ang mainit na pagbati sa ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Timog Aprika. Nagpahayag din siya ng taos-pusong pasasalamat sa ibinibigay na ambag ng mga personahe ng iba't-ibang sirkulo ng dalawang bansa para sa pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Dagdag pa ni Xi, napakalawak ng prospek ng relasyon ng Tsina at Timog Aprika. Nananalig aniya siyang sa ilalim ng matatag na pagkatig ng mga mamamayan ng dalawang bansa, tiyak na matatamo ng relasyong ito ang mas malaking progreso.

Ipinahayag naman ng South African President ang kahandaan na magsikap kasama ng Tsina, upang mapasulong pa ang komprehensibo't estratehikong partnership ng dalawang bansa, at patuloy na mapalalim ang kanilang kooperasyong pangkaibigan.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino