Trade war, makakapinsala sa interes ng sarili at ibang panig—Ministring Panlabas ng Tsina

2018-07-26 12:00:27 CRI

Sa preskon Miyerkules, Hulyo 25, 2018, ipinahayag ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na walang mananalo sa trade war, at ang trade war na inilunsad ng panig Amerikano ay makakapinsala sa interes ng sarili at ibang panig.

Ipinatalastas kamakailan ng pamahalaang Amerikano na magkakaloob ito ng 12 bilyong dolyares na saklolo sa mga magsasakang Amerikano, bilang kompensasyon sa epektong dulot ng trade war sa Tsina. Kaugnay nito, binigyang-diin ni Geng na umaasa ang panig Tsino, na makikinig ang panig Amerikano sa makatarungang pananaw ng iba't ibang sirkulo sa loob at labas ng bansa, at huwag ipagpatuloy ang pagtahak sa maling landas.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino