Pagpapataas ng kalidad ng pagtutulungan ng Tsina at ASEAN, napapanahon

2018-07-30 10:52:40 CRI

Ipinahayag Hulyo 27, 2018 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dadalaw si Ministrong Panlabas Wang Yi ng bansa sa Malaysia at Singapore, mula ika-31 ng Hulyo hangang ika-5 ng Agosto ng taong ito. Aniya, sa panahong iyon, dadalo rin si Wang sa mga pulong ng mga ministrong panlabas ng Silangang Asya na nakatakdang idaos sa Singapore.

Sinabi rin ni Geng na bilang mapagkaibigang katuwang ng Tsina sa Association of South East Asian Nations (ASEAN), nananatiling mainam ang bilateral na pakikipagtulungan ng Tsina sa Malaysia at Singapore. Ito aniya'y magdudulot ng ginhawa sa mga mamamayan ng dalawang panig.

Tungkol naman sa relasyon ng Tsina at ASEAN, ipinahayag ni Geng na palaging inilalagay ng Tsina ang pakikipagtulungan sa ASEAN sa priyoridad ng patakarang panlabas ng bansa. Aniya, nakahandang magsikap ang Tsina, kasama ng ASEAN para ibayong patibayin ang pragmatikong pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, para itatag ang mas mahigpit na komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng dalawang panig. Umaasa rin aniya siyang mapapahigpit pa ang pragmatikong pagtutulungan ng Tsina at ASEAN sa karagatan, at maayos na malulutas ang isyu ng South China Sea para magkasamang pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino