Ika-9 na Estratehikong Diyalogo ng Tsina at Britanya, idinaos

2018-07-31 10:23:13 CRI

Idinaos Hulyo 30, 2018 sa Beijing ang Ika-9 na Estratehikong Diyalogo ng Tsina at Britanya.

Nang araw ring iyon, magkasamang kinatagpo ang mga mamamahayag nina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Jeremy Hunt ng Britanya.

Tungkol sa kung paanong mapapasulong ng Tsina at Britanya ang konstruksyon ng “Belt and Road,” ipinahayag ni Wang na tinalakay ng dalawang panig ang mga katugong isyu. Aniya, ipinalalagay nilang may malaking potensyal ang dalawang panig sa pagpapahigpit ng kooperasyon sa ugnayan ng kani-kanilang pambansang estratehiyang pangkaunlaran, larangan ng pinansya, batas at inobasyon, at pagtutulungan ng tatlong panig.

Tinukoy ni Wang na nananatiling bukas at inklusibo ang konstruksyon ng Belt and Road. Aniya, nagsisikap ang mga may-kinalamang panig para pasulungin ang bilateral o multilateral na pagtutulungan. Aniya, hindi ito makakasama sa interes ng ikatlong bansa at kasalukuyang panrehiyong mekanismong pangkooperasyon.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino