Gaofen-11 satellite, matagumpay na inilunsad ng Tsina

2018-07-31 15:21:42

Kaninang madaling araw, Hulyo 31, 2018, sakay ng Long March 4B rocket, matagumpay na inilunsad sa Taiyuan Satellite Launch Center, sa probinsyang Shanxi ng Tsina, ang Gaofen-11, isang optical remote sensing satellite. Pumasok na ang satellite sa nakatakdang orbit.

Napag-alamang ang nasabing satellite ay gagamitin, pangunahin na, sa mga larangang gaya ng land survey, urban planning, road network design, at pagpigil at pagbabawas ng kalamidad. Maaari itong makapagbigay ng pangangailangang pang-impormasyon sa mga malalaking estratehiyang pambansa at konstruksyon ng modernisasyong pandepensa.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino