Pagpapalitan ng Tsina at Amerika sa isyu ng Peninsula ng Korea, mahigpit-Tagapagsalitang Tsino

2018-08-02 10:45:02 CRI

Ipinahayag unang araw ng Agosto, 2018 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nananatiling mahigpit ang pagpapalitan ng Tsina at Amerika sa isyu ng Peninsula ng Korea.

Winika ito ni Geng bilang tugon sa pahayag kamakailan ng Amerika hinggil sa umano'y paghadlang ng Tsina sa paglutas ng nasabing isyu.

Ani Geng, maliwanag ang paninindigan ng Tsina sa isyu ng Peninsula ng Korea. Nagsisikap aniya ang Tsina para lutasin ang isyung ito sa paraang pulitikal, at katanggap-tanggap ito para sa komunidad ng daigdig. Umaasa aniya siyang magsisikap ang mga may-kinalamang panig, kasama ng Tsina para pasulungin ang paglutas sa isyu ng peninsula sa pamamagitan ng paraang pulitikal, at pagsasakatuparan ng denuklearisasyon dito, sa lalong madaling panahon.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino