Pagpapataw ng presyur, walang positibong ibubunga sa paglutas ng mga isyung pangkalakalan ng Tsina at Amerika-Tagapagsalitang Tsino

2018-08-02 13:36:52 CRI

Ipinahayag unang araw ng Agosto, 2018 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na walang katuturan ang pagpapataw ng presyur at pananakot na isinasagawa ng Amerika kaugnay ng isyung pangkalakalan ng Tsina at Amerika. Aniya, isasagawa ng Tsina ang mga katugong hakbang, kung gagawa ng eskalasyon at di-makaturangang aksyon ang panig Amerikano.

Winika ito ni Geng bilang tugon sa balak nang araw ring iyon ng Amerika na patataasin ang buwis sa mga paninda ng Tsina na nagkakahalaga ng 200 bilyong dolyares. Ayon dito, itataas sa 25% mula 10% ang nasabing buwis.

Ani Geng, sa mula't mula pa, pinaninindigan ng Tsina na dapat lutasin ang alitang pangkalakalan ng dalawang panig sa pamamagitan ng diyalogo. Aniya, ang diyalogo ng dalawang panig ay dapat nakabatay sa paggagalangan, regulasyon, at katapatan. Walang magandang ibubunga ang anumang unilateral na pagbabanta at pagpapataw ng presyur, dagdag pa niya.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino