Relasyon ng Tsina at Brunei, isusulong

2018-08-05 16:26:09

Sa kanyang pakikipagtagpo Sabado, Agosto 4, 2018, kay Dato Seri Paduka Haji Erywan, Ikalawang Ministrong Panlabas at Pangkalakalan ng Brunei, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na naitatag ng mga lider ng dalawang bansa ang matapat na pagkakaibigan. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap kasama ng Brunei upang mapanatili ang pagdadalawan ng dalawang bansa sa mataas na antas, mapalawak ang mga larangang kooperasyon, at matatag na mapasulong ang kooperasyong pandagat ng dalawang bansa. Puwedeng panatilihin ng dalawang panig ang mahigpit na pagkokoordinahan sa kanilang kooperasyon sa Brunei Darussalam Indonesia Malaysia Philippines - East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) para makalikha ng bagong modelo ng sub-regional cooperation, at mapasulong pa ang relasyon ng dalawang bansa, dagdag pa niya.

Ipinahayag naman ni Erywan na mainam ang relasyon ng Brunei at Tsina. Inaasahan aniya ng kanyang bansa na mapapalakas ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't-ibang larangan, at mapapanatili ang mahigpit na pagkokoordinahan sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig. Aniya, hinahangaan ng Brunei ang palagiang pagkatig ng Tsina sa konstruksyon ng komunidad ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Nakahanda ang Brunei na magsikap kasama ng Tsina upang mapasulong ang pagtatamo ng relasyong ASEAN-Sino ng mas maraming bunga, dagdag niya.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino