CRI komentaryo: Industriya ng kotse, magiging biktima ba ng digmaang pangkalakalan na isinasagawa ng Amerika?

2018-08-06 19:19:01 CRI

Noong ika-30 ng nagdaang Hulyo, ipinatalastas ng Bayerische Motoren Werke AG o BMW, multinasyonal na kompanya ng sasakyan ng Alemanya, na magkahiwalay na itaas nang 4% at 7% ang presyo ng dalawang modelo ng sport utility vehicle (SUV) ng kompanyang ito, na ginawa sa Amerika at ibinebenta sa pamilihan ng Tsina. Ang dahilang ibinigay ng BMW ay pagtaas ng gastos sa produksyon.

Ang kasong ito ay masasabing unang biktima sa pandaigdig na aspekto, na dulot ng digmaang pangkalakalan na isinasagawa ng adminstrasyon ni Donald Trump laban sa ilang bansa. Pagkaraang patawan ng pamahalaang Amerikano ng karagdagang taripa ang mga produkto ng asero at aluminum mula sa ilang bansa, tumaas ang presyo ng mga piyesa ng kotse na binibili ng BMW mula sa pamilihang pandaigdig. Samantala, sa alitang pangkalakalan ng Tsina at Amerika, bilang tugon sa pagpapataw ng Amerika ng karagdagang taripa sa mga panindang Tsino, pinatawan naman ng Tsina ng 25% karagdagang taripa ang orihinal na 15% na taripa sa mga aangkating kotse na ginawa sa Amerika. Dahil dito, tataas sa pamilihang Tsino ang presyo ng mga kotse ng mga kompanya ng iba't ibang bansa na ginawa sa Amerika, at siyempre, makakaapekto ito sa bilang ng pagbebenta.

Sa digmaang pangkalakalan na inilunsad ng administrasyon ni Trump, ang mga apektadong bagay ay hindi lamang pakinabang ng mga kompanya ng kotse. Bumalik tayo sa nabanggit na kaso ng BMW. Nagkaroon ang kompanyang ito ng isang malaking pabrika ng kotse sa Spartanburg, Estado ng South Carolina ng Amerika, at ang bilang ng mga lokal na manggagawa doon ay mga 9 na libo. Ang pabrikang ito ay pinakamalaking pabrika ng BMW sa buong daigdig, at ito rin ay may pinakamalaking bolyum ng pagluluwas ng kotse kung ihahambing sa lahat ng mga pabrika ng kotse sa Amerika. Sa harap ng posibleng pagtaas pa ng gastos sa produksyon, ipinahayag minsan ng BMW, na isasaalang-alang nitong bawasan ang saklaw ng pamumuhunan at produksyon sa Spartanburg. Ibig sabihin, posibleng mawawalan ng trabaho ang marami sa nabanggit na 9 na libong manggagawang Amerikano sa pabrika ng BMW.

Hindi natin alam kung nakini-kinita ni Trump ang mga negatibong epekto sa industriya ng kotse ng daigdig at kinabukasan ng mga manggagawang Amerikano, bago niya inilunsad ang mga digmaang pangkalakalan. Ang pinahahalagahan natin ay kung gusto niyang gawin ang mga hakbangin para alisin ang mga epektong ito.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino