Puno ng Tanggapan ng Komisyon ng Ugnayang Panlabas ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng Pangkalahatang Asemblea ng UN, nag-usap

2018-08-08 10:49:20 CRI

Nag-usap Agosto 7, 2018 sa Beijing sina Yang Jiechi, Puno ng Tanggapan ng Komisyon ng Ugnayang Panlabas ng Komite Sentral ng CPC at María Fernanda Espinosa Garces, Pangulo ng Ika-73 Pangkalahatang Asemblea ng UN.

Ipinahayag ni Yang na bilang taga-suporta ng multilateralismo, pinahahalagahan ng Tsina ang mahalagang papel ng UN sa mga suliraning pandaigdig. Aniya, patuloy na kakatigan ng Tsina ang gawain ng UN at pangulo ng Pangkalahatang Asemblea ng UN, at tutupdin ng bansa ang sariling tungkulin, para harapin, kasama ng komunidad ng daigdig, ang ibat-ibang hamon.

Ipinahayag naman ni Pangulong Espinosa Garces ang pagpapahalaga sa mahalagang ambag ng Tsina sa pagpapasulong ng kapayapaan at kaunlaran ng daigdig. Aniya, buong tatag na kinakatigan ng UN ang multilateralismo, at nakahanda itong magsikap, kasama ng Tsina para pahigpitin ang pagtutulungan sa usaping ito.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino