Bolyum ng inihatid na kalakal ng daam-bakal noong unang hati ng 2018, lumaki ng 7.5%

2018-08-08 11:01:30

Ayon sa China Railway (CR), mula noong Enero hanggang Hunyo, 2018, umabot sa halos 1.55 bilyong tonelada ang bolyum ng inihatid na kalakal ng daam-bakal ng bansa. Ito ay mas malaki ng 7.5% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Bukod dito, halos 1.6 bilyong person-time na pasahero ang inihatid ng daam-bakal na mas malaki ng 7.7% kung ihahambing sa nagdaang taon.

Upang mapataas ang kakayahan ng daam-bakal sa paghahatid ng mga kalakal, puspusang pinasusulong ng departamento ng daam-bakal ang konstruksyon ng imprastruktura at pangangasiwa sa impormasyon.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino