Reporma at pagbubukas sa labas, mabilis na nakakapagpasigla sa Tsina

2018-08-12 14:56:29

Sa isang artikulong inilabas Linggo, Agosto 12, 2018, ng Xinhua News Agency, tinukoy nitong salamat sa pagsasagawa ng reporma at pagbubukas sa labas, matagumpay na nakalikha ang Tsina ng bagong landas ng pag-unlad at bagong espasyo ng pag-unlad.

Anang artikulo, sinabi ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na ang reporma at pagbubukas sa labas ay isang masusing hakbang na nagpapasiya sa kapalaran ng kasalukuyang Tsina. Ito rin aniya ay isang masusing hakbang para maisakatuparan ang dakilang pag-ahon ng Nasyong Tsino. Ang sinabi ni Xi ay malalimang nagpapakita ng kaalaman ng mga miyembro ng CPC at mga mamamayang Tsino tungkol sa reporma at pagbubukas sa labas. Ipinakikita rin nito ang kompiyansa at determinasyon ng kasalukuyang Tsina sa buong tatag na pagpapasulong ng reporma at pagbubukas sa labas.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino