Ulat hinggil sa kalagayang pangkaunlaran sa Aprika, isinapubliko  

2018-08-15 13:35:10 CRI

Inilabas kamakailan ng Chinese Academy of Social Sciences ang ulat na pinamagatang “African Development 2017-2018.”

Inilahad at sinuri ng ulat ang pagbabago ng geopolitics ng Aprika sa kasaysayan, kasalukuyan, at hinaharap. Nilalaman din ng ulat ang bagong kalagayan na naganap sa Aprika nitong ilang taong nakalipas, sa pulitika, kabuhayan, situwasyong panseguridad, relasyong panlabas, kapaligirang pambatas, kapaligiran ng opinyong pampubliko at iba pa. Mababasa rin sa ulat ang interes ng Tsina sa Aprika, sa harap ng nasabing mga pagbabago.

Tinukoy ng ulat na nananatiling mainam ang opinyong pampubliko ng Aprika hinggil sa relasyong Sino-Aprikano. Ito anito'y makakatulong sa pagtutulungang Sino-Aprikano. Tumataas ang pamumuhunan ng Tsina sa Aprika, dagdag pa nito.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino