World Robot Conference 2018, idinaraos sa Beijing

2018-08-16 15:29:09 CRI

Binuksan Miyerkules, Agosto 15, sa Beijing ang limang-araw na World Robot Conference (WRC) para sa taong 2018. Mayroong apat na pangunahing seksyon ang idinaraos na komperensya na kinabibilangan ng porum, pagtatanghal, paligsahan, at ground unmanned system activities.

Kalahok dito ang mahigit 160 kompanya mula sa iba't ibang bansa para ipakilala ang kanilang pinakahuling produkto sa industriya ng robotiks. Samantala, mahigit 300 dalubhasa at mangangalakal mula sa apat na sulok ng daigdig ang magtatalakayan hinggil sa anim na pangunahing paksang kaugnay ng pandaigdig na kooperasyon, mga saligang teknolohiya at inobasyon, pinakamaunlad na tunguhin, artificial intelligence (AI) at integrasyon, bagong aplikasyon, at pamilihan at pamumuhunan.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino