Mamamayan mula sa HK, Macao, Taiwan makukuha ang residence permit sa mainland ng Tsina 

2018-08-16 15:55:38 CRI

Simula Setyembre 1, 2018, ang mga mamamayan mula sa Hong Kong, Macao at Taiwan ay maaari nang mag-apply ng residence permit sa mainland ng Tsina, para makapagtamasa ng mga mas mabuting serbisyo.

Ito ang ipinahayag ng Konseho ng Estado o Gabinete ng Tsina sa isang preskon ngayong araw. Ang permit card na maaaring awtomatikong basahin sa mga electronic terminal device sa mga estasyon ng daambakal, paliparan, at bangko ay magpapaginhawa sa pag-aaral, pagtatrabaho at pamumuhay ng nasabing mga residente sa mainland.

Boluntaryo ang aplikasyon. Ang mga aplikante ay kailangang mamuhay sa mainland nang mahigit anim na buwan at may matatag na trabaho at panirahan. Matatamo nila ang permiso 20 work day makaraang mag-apply.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino