Relasyon ng Tsina at Turkey, isusulong

2018-08-19 15:03:38

Nag-usap sa telepono Sabado, Agosto 18, 2018 sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado ng Tsina, at Mevlut Çavusoglu, Ministrong Panlabas ng Turkey upang malalimang talakayin ang tungkol sa kasalukuyang kalagayang nakaka-apekto sa dalawang bansa.

Ipinahayag ni Wang ang pagkatig ng panig Tsino sa ginagawang pagsisikap ng Turkey sa pangangalaga sa seguridad at katatagan, at pagpapasulong ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng bansa. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap kasama ng Turkey para magkasamang mapangalagaan ang lehitimong karapatan at kapakanan ng mga umuunlad na bansa, lalung lalo na ang mga bagong-sibol na ekonomiya.

Ipinahayag naman ni Mevlut Çavusoglu ang kahandaan ng Turkey na palakasin ang estratehikong pakikipagsanggunian sa Tsina. Aktibo aniyang makikilahok ang Turkey sa konstruksyon ng "Belt and Road."

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino