Pangulong Tsino, mangungulo sa 2018 Beijing Summit ng Forum on China-Africa Cooperation

2018-08-20 16:04:17 CRI

Lunes, Agosto 20, 2018, ipinatalastas ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na idaraos sa Beijing ang 2018 Beijing Summit ng Forum on China-Africa Cooperation, mula ika-3 hanggang ika-4 ng Setyembre. Aniya, mangungulo sa nasabing summit na may temang "China and Africa: Toward an Even Stronger Community with a Shared Future through Win-Win Cooperation" si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at idaraos ang mga kaukulang aktibidad. Dadalo sa summit at mga kaukulang aktibidad ang mga lider ng mga Aprikanong kasapi ng nasabing porum, at mga kinatawan ng mga may kinalamang organisasyon ng Aprika at mga organisasyong pandaigdig, dagdag pa ni Lu.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino