Science fiction at pagtaya ng hinaharap, hindi pareho--Liu Cixin, pinakakilalang manunulat ng piksyong pansiyensiya ng Tsina

2018-08-22 19:12:49 CRI

Sa kanyang talumpati sa ika-16 na Beijing International Book Festival (BIBF) na binuksan ngayong araw, Agosto 22, 2018 dito sa Beijing, binigyan-diin ni Liu Cixin, pinakakilalang manunulat ng science fiction ng Tsina na magkaiba ang piksyong pansiyensiya at pagtaya ng hinaharap.

Bilang unang taong nagtalumpati sa isang serye ng lektyur na idinaraos sa BIBF, sinabi ni Liu na hindi pareho ang misyon ng mga manunulat ng science fiction at futurista, maging ang mga siyentipiko. Aniya, tinataya ng mga futurista ang hinaharap, pero, nilalarawan ng mga manunulat ng science fiction ang iba't ibang posibilidad na puwedeng maganap sa hinaharap. Kailangang piliin ng mga tao ang positibong posibilidad, aniya, nananalig siyang ang hinaharap ng sangkatauhan ay magiging maliwanag.

Si Liu Cixin, itinuturing bilang kinatawan ng science fiction ng Tsina, ay kilala dahil sa kanyang nobelang "The Three-Body Problem." Nakuha niya noong 2015 ang Best Novel ng Hugo Awards, pinakamataas na gatimpala ng science fiction ng daigdig. At si Liu ay hindi lamang naging unang Tsino na nagkamit ng gantimpalang ito, kundi unang manunulat na nanalo mula sa Asya sa kasaysayan ng Hugo Awards.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino