Pangulong Tsino, nanawagan sa mas mainam na pagpapatupad ng misyon ng publisidad

2018-08-23 16:28:14 CRI

Mula sa ika-21 hanggang ika-22 ng Agosto, 2018, idinaos sa Beijing ang pambansang komperensya hinggil sa publisidad at gawaing ideolohikal.

Sa kanyang talumpati sa pulong, binigyang-diin ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista at Pangulo ng Tsina, ang kahalagahan ng mas mainam na pagpapatupad ng misyon ng publisidad at gawaing ideolohikal, sa ilalim ng bagong kapaligiran at kalagayan.

Nanawagan din siyang palakasin ang publisidad at gawaing ideolohikal, para pagbuklurin ang mga mamamayan na may komong mithiin, paniniwala, kaisipan sa kahalagahan at pamantayang moral. Ito ay upang gumawa ng mas malaking ambag sa pangkalahatang usapin ng partido at estado.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino