Mga kuwentong Sino-Aprikano na isinalaysay ni Xi Jinping: biyahe ng mag-asawang Tsino sa Tanzania

2018-08-24 18:39:48 CRI

Si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ay isang taong mahilig sa pagsasalaysay ng kuwento. Isinalaysay minsan niya ang ilang kuwento, para ipakita ang mainam na pagkakaibigan, pagpapalitan, at pagtutulungan ng Tsina at mga bansang Aprikano. Narito ang isa sa mga kuwentong ito.

Noong ika-25 ng Marso 2013, sa kanyang talumpati sa Julius Nyerere International Convention Centre sa Dar es Salaam, kabisera ng Tanzania, isinalaysay ni Pangulong Xi ang kuwento hinggil sa biyahe ng isang bagong-kasal na mag-asawa sa Tanzania.

Ayon kay Pangulong Xi, may isang bagong-kasal na mag-asawang Tsino na nananabik sa pagbisita sa Aprika, at itinakda nila ang Tanzania bilang destinasyon ng kanilang honeymoon trip. Noong unang Valentine's Day pagkaraan ng kasalan, pumunta ang mag-asawa sa Tanzania, at nagkaroon ng mahabang biyahe sa maraming lugar doon, na kinabibilangan ng Serengeti Plains. Pagkaraang umuwi sa bansa, inilabas ng mag-asawa sa Internet ang hinggil sa kanilang karanasan sa Tanzania, na gaya ng kagandahang-loob ng mga lokal na mamamayan at marikit na likas na tanawin. Sinabi ng mag-asawa, na totoo malapit sa puso nila ang Aprika at ang Aprika ay patunay ng kanilang pag-ibig.

Bilang panapos, sinabi ni Pangulong Xi, na may likas na pagkakaibigan ang mga mamamayan ng Tsina at mga bansang Aprikano. Aniya pa, kung walang tigil na palalakasin ang pagpapalitan ng mga mamamayan ng dalawang panig, tiyak na lalalim pa ang kanilang pagkakaibigan.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino