Mga bagong hakbangin hinggil sa pragmatikong kooperasyong Sino-Aprikano, ihaharap

2018-08-28 17:22:00 CRI

Isiniwalat ngayong araw, Martes, ika-28 ng Agosto 2018, sa Beijing, ni Qian Keming, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na sa nalalapit na 2018 Beijing Summit ng Porum sa Kooperasyong Sino-Aprikano, ihaharap ang mga bagong hakbangin hinggil sa pragmatikong kooperasyong Sino-Aprikano, na naglalayong palakasin ang sariling kakayahan ng mga bansang Aprikano sa pagpapaunlad ng lipunan at kabuhayan. Ang kakayahang ito aniya ay mahalagang elemento para sa pag-unlad ng Aprika sa hinaharap.

Ayon pa rin kay Qian, ang naturang mga bagong hakbangin ay batay sa Belt and Road Initiative, African Union Agenda 2063, United Nations 2030 Agenda for Sustainable Development, at mga estratehiyang pangkaunlaran ng iba't ibang bansang Aprikano.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino